MATIKAS na nanindigan ang Philippine U19 National Rugby Development Team para gapiin ang pamosong HongKong side sa opening match ng International Development Series nitong weekend sa Southern Plains Sports Field sa Calamba, Laguna.
Sa harap nang nagbubunying home crowd, nadomina ng Pinoy, itinataguyod ng MVP Sports Foundation, ang karibal tungo sa 36-12 panalo at maitala angunang tagumpay laban sa HongKong sa nakalipas na tatlong taon.
Naunang umiskor ang HK side sa 5-0 bago kumilos ang Junior Volcanoes, sa pangunguna ni Lyndon Adlao, miyembro ng Eagles RFC at dating standout sa National Youth Teams, para maagaw ang momentum pabor sa host team, 12-5.
Sa tulong nina Marco Xavier Tan at Fausto Eizmendi, tuluyang sumagitsit ang opensa ng Junior Volcanoes.
Ayon kay Coach CarlitoAbono, malaki ang naiutulong ng bawat isa para maitarak ang matibay na depensa.
“This is the first time I have seen our local development team play this outstanding, to put on 36 points against a team like the Hong Kong Warriors, it’s tremendous to see. Reymarc Bustillo for me was outstanding, strong runner and very fast off his feet, he had an outstanding game” pahayag ni Jake Letts ng Philippine Rugby Federation.
“Proud of the guys, proud Coach and mentor. We still need to be ready on Monday, so our game face is still on,” sambit ni Abono
Muling magtututos ang magkaribal sa ikalawa at final match ng serye Lunes ng hapon para makamit ang 2018 First Pacific Cup.