SA local color, ang theme at plot ng Crazy Rich Asians movie ay maihahalintulad sa How My Brother Leon Brought Home A Wifeni Manuel E. Arguilla—sa extremes ng lifestyle nating mga Asyano.

Crazy Rich Asians

Super rich ang pamilya ni Nick (Henry Golding) samantalang karaniwang pamilya lang sa malayong baryo ang pinanggalingan ni Leon. Kaya sa halip na kangga o carabao sled ay eroplano (first class tickets) ang sinakyan ng magkasintahang Nick at Rachel (Constance Wu) pauwing Singapore galing New York.

Dadalo si Nick sa kasal ng best friend niya kaya maipapakilala na rin niya si Rachel sa wakas sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina (Michelle Yeoh). Wala sa hinagap ni Rachel na ultra-rich pala ang pamilya ng boyfriend.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Closer to home pa ang kuwento ng Crazy Rich Asians. Sadyang hindi ko binasa ang nobela ni Kevin Kwan para maiwasan ang disappointments na laging nangyayari sa bawat librong nababasa ko na ginagawang pelikula. Nakakatuwa na cultural gem pala ito—traditional at popular culture.

Tinatalakay nito ang napakapamilyar na pakikialam ng pamilya, mula sa lola hanggang sa extended families, sa mapapangasawa ng scion na susunod na alpha male ng angkan.

Pero may mas malawak pang sakop ang tema, ang Asian pride. Mapapanood din dito ang attitude ng mga Singaporean na produkto ng educational system na binuo ni Lee Kuan Yew. Maging ang ilang Singaporean journalists na nakasama namin sa isang fellowship ay umaamin na tinuruan silang maging proud sa kanilang identity.

Romantic-comedy ang Crazy Rich Asians, paiibigin at maraming beses na bigla ka na lang mapapabunghalit ng tawa pero asahan ding paiiyakin kayo nito.

Number one ito ngayon sa box office sa America at ngayong napanood na namin ito ay hindi na kataka-taka kung bakit. May kakaibang appeal ang Crazy Rich Asians na bukod sa mala-Romeo and Juliet na love story ay ipinapakita rin ang affluence ng Singapore at ang masalimuot pero nakakatuwang Chinese/Asian culture.

Hindi maikakaila ang malakas na impluwensiya ng Mainland China maging sa Pilipinas. Panoorin sa Crazy Rich Asians ang pagkakapare-pareho ng tinatakbo ng buhay natin, pampersonal man o buhay-pamilya.

Sadyang hindi na naming ikukuwento ang mga detalye ng pelikula para wala kamingh spoiler, pati na ang participation ni Kris Aquino. Kayo na ang humusga.

-DINDO M. BALARES