TATLONG sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinarangalan bilang isa sa 2018 Metrobank Foundation Outstanding Filipino, sa isang seremonya sa General Headquarters, Camp Aguinaldo, Quezon City, nitong Lunes.

Kinilala sina Major Francis Señoron, ng Philippine Army; Lt. Col. Danilo Facundo, ng Philippine Marine Corps; at Lt. Col. Thomas Ryan Seguin ng Philippine Air Force “for rendering service above and beyond his/her call of duty.”

“The recognition that they have received today manifests their dedication to their duties and exemplary service not only for the benefit of the AFP, but more importantly for the whole country,” pahayag ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, Jr.

Espesyal na kinilala si Señoron, assistant division chief ng Office of the Deputy Chief of Staff for Logistics, OJ4, para sa kanyang kagalingan sa “bomb disposal and management” na nakapagligtas ng maraming sundalo at sibilyan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang kanyang kahusayan ay nagbigay daan din sa pagbuo ng isang kahalintulad na galvanometer at disruptor na higit na mura at matagal na magagamit kumpara sa katumbas nitong produkto, ginamit ito ng AFP at lumikha ng maramihan upang magamit ng mga EOD units sa buong bansa.

Samantala, kinilala si Facundo, director ng Marines’ Mobile Training and Exercise Unit, para sa ideya at pangunguna sa paglikha ng Sustained Multi-Agency Assistance in Resorts and Tourist Areas (SMART-MARINES) at ang Joint Inter-Agency Task Unit Brooke’s Point, Bataraza, Rizal, at Balabac (JIATU-BBRB).

Kapwa mayroong military, local government at private sector components ang dalawang ahensiya na nagpapatibay sa pagpapalitan ng impormasyon sa bahagi ng Palawan, pagbabantay sa tourism hub mula sa banta ng terorismo, mga pagdukot at pananakop.

Habang si Seguin, commander ng 7th Tactical Fighter Squadron, ang nanguna sa aerial mission na mahalaga sa pagbabantay sa Marawi City laban sa mga terorista noong 2017.

Kinilala siya para sa pagpapalipad ng nasa 134 mula sa kabuuang 156 air to ground attack missions at ably dropped ng nasa 267 bomba para sa Marawi.

“These awardees redefine the true essence of public service, raise the bar of excellence, and serve as good examples to their colleagues and their respective organizations,” pahayag ni Metrobank Foundation President Aniceto Sobrepeña.

Sinamahan ng mga pinarangalan ang mahigit 655 outstanding public servants na kinilala ng Metrobank Foundation at Rotary Club of Makati Metro simula noong 1985, kung saan kabilang si Galvez sa The Outstanding Philippine Soldiers noong 2007.

Nakatakda namang idaos ang pormal na seremonya para sa mga pinarangalan sa Metrobank Plaza, sa Makati City sa Setyembre 7.

AFP PR/ PNA