BUMUWELTA si Madonna nitong Martes sa mga bumatikos sa kanyang speech tungkol sa yumaong si Aretha Franklin sa MTV Video Music Awards (VMA) show, kung saan hiniling sa kanya na magbahagi siya ng anecdote tungkol sa namayapang Queen of Soul.

Binatikos ang Rebel Heart singer sa kanyang 10-minute speech na nakatuon sa career niya nang nagsisimula pa lamang, sa show nitong Lunes, kung saan sinabi ng mga organizer na bigyang-pugay niya si Aretha, apat na araw makaraan itong bawian ng buhay sa edad na 76.

“I was asked to present video of the year by MTV! And then they asked me to share any anecdotes I had in my career connected to Aretha Franklin!” sabi ni Madonna sa kanyang Instagram post nitong Martes.

“I did not intend to do a tribute to her! That would be impossible in 2 minutes with all the noise and tinsel of an award show. I could never do her justice in this context or environment.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang natatanging mention kay Aretha sa three-hour show sa New York ay ang maikling video clip ng kanyang pag-awit, kasabay ng pagtugtog ng R.E.S.P.E.C.T, sa closing credits.

Hindi naman nagkomento ang MTV nang hingian ng opinyon nitong Martes.

Binatikos si Madonna dahil ‘tila napunta sa sarili niyang istorya ang dapat ay tribute kay Aretha. Noon ay sinabi niya na sa audition niya nang kanyang kabataan ay ang acappella version ng hit song ni Franklin, na You Make Me Feel Like A Natural Woman.

Wala siyang komento sa career ni Aretha.

“Whoever at the #VMAs let Madonna get on stage and give a tribute to @ArethaFranklin or whatever that was really should be out of a job right about...now,” tweet ni Alicia Garza, co-founder ng Black Lives Matter movement.

-Reuters