MAY sagot si Kris Aquino sa nag-suggest kung puwede raw bang isa sa kanila ng kapatid niyang si former President Noynoy Aquino ang tumakbong Mayor ng Quezon City?

Kris copy

Sabi pa ng nag-suggest, magsisimula na siya ng signature drive para kumbinsihin sina PNoy at Kris na tumakbong Mayor ng Kyusi.

Heto ang sagot ni Kris: “@senyorita_jez para yung paid political trolls & bashers umawat, categorically sasabihin ko, I have agreed to 3 endorsement contracts w/ multinational conglomerates that strictly specify no divisive political participation in very strict clauses.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I prayed hard about the decision, and I chose to secure the future of my 2 sons because how can I be an effective public servant if I didn’t 1st make sure that the 2 boys whose future is my responsibility are well taken care of?

“And para bigyan ako ng katahimikan, included in those contracts na bawal ang conjugal na assets w/ any elected or appointed govt official meaning hindi ako pwedeng ma-engage or magpakasal sa kahit na sino na nasa gobyerno (not that nybody is offering)...So super NASAGOT na ha.

“Effectivity is until Dec 2020. Yung pondong ginagastos para sa trolls puwede nang ilipat sa ibang kalaban dahil kung baga sa larong basketball, hindi man ako pumasok sa locker room para magbihis at mas lalong hindi ko sinubmit ang pangalan ko para magpa-draft.”

Ayan, malinaw na hanggang 2020, walang balak pumasok sa pulitika si Kris. Tuloy ang pagpaparami at pagbibilang nito ng endorsements at pagpapalaki sa kanyang KCA Productions.

-NITZ MIRALLES