Nahuli sa akto ang isang matandang lalaki at apat nitong kasama na gumagamit ng droga habang nagsusugal sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga inaresto na sina Meljohn Garcia, 34, ng CVY Barracks 11, Tala, Barangay, 186; William Clarino, 40, ng Gumamela Street, Bgy. 185; Eugene Garcia, 28, ng CVY Barracks 11, Bgy. 188; Hermie Padilla, 29, ng Barracks 11, Bgy. 186; at Mac Soramillo, 82, ng Soldiers Hills Subdivisions, Bgy. 188, Caloocan City.

Base sa imbestigasyon, nakatanggap ng sumbong ang Police Community Precinct (PCP) 4 hinggil sa sugalan at pot session sa tinutuluyan ni Padilla.

Isinumbong din na droga ang ipinupusta ng mga suspek kapag wala nang pera.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nang magpositibo ang report, sinalakay ng mga pulis ang naturang lugar, dakong 3:00 ng madaling araw.

Nakuha sa mga suspek ang baraha, P180 bet money, drug paraphernalia at isang pakete ng umano’y shabu.

Nakuhanan din ng isang pakete ng umano’y shabu si Padilla.

Nahaharap ang limang suspek sa mga kasong PD 1602 (Illegal Gambling), at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Orly L. Barcala