DOBLE ang excitement ni Mike Tan dahil magiging ama na siya at kahit nga six weeks pa lang ang ipinagbubuntis ng misis niyang si Kris, ay naghahanda na sila sa pagdating ng baby nila.

Mike copy

Nang kapanayamin si Mike sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, nabanggit niya na kahit anong hilinging pagkain ng misis niya, ay pinipilit niyang maibigay. Nangyare na nga raw na nanghingi ito ng soup sa madaling-araw, kaya naghanap sila ng bukas na resto at mabuti na lang, maraming resto malapit sa tinitirahan nila.

OA na kung OA, pero sobra ang pag-aalaga ni Mike sa misis niya at kung puwede nga lang daw, ay nanaisin niyang laging makasama ang asawa niya. Kaya kahit puyat at pagod kapag galing sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, siya pa rin ang naghahatid sa misis niya sa UP kung saan ito nag-aaral. Para hindi na mahirapang sumakay pauwi ay hinihintay na lang niya ito at sa kotse na lang siya natutulog.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ang safety din ng asawa ang rason kung bakit ayaw pa ring ipakita ni Mike ang asawa sa Instagram (IG) feed niya. Ang ipinakikita lamang niya ay ang lumalaking kamay at tiyan ng asawa, dahil buntis nga. May poser kasi si Mike sa Facebook na pina-follow ng mga kaibigan niya at ‘pag nag-post siya ng litrato ng asawa, baka gamitin pa ito sa masamang paraan.

Samantala, malapit nang matapos ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka at kung si Mike ang masusunod sa tatakbuhin ng story, ayaw niyang magkabalikan pa ang mga karakter nila ni Yasmien Kurdi, dahil marami nang gulong pinagdaanan ang mga karakter nila at mahirap nang ibalik ang masaya nilang pamilya.

“Malaki ang pasasalamat ko sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil first lead role ko ito at may na-prove naman siguro ang tambalan namin ni Yasmien. Salamat din sa magandang story, kay Direk Neal del Rosario, sa staff at crew at sa buong cast dahil na-extend kami at positive ang feedback ng viewers,” sabi ni Mike.

-NITZ MIRALLES