ISA si Liza Soberano sa luckiest young stars sa panahon na lumalawak ang interes ng mga kababayan natin.Shorter ang attention span ng fans sa panahon ng social media sa rami ng mapagbabalingan ng pansin. Hindi na concentrated lang sa Pilipinas ang celebrities na hinahangaan ng mga Pilipino kumpara noong panahon ng mga naunang Tagalog movie queens.

Liza

May Korean wave bukod pa sa malalakas din ang hatak ng entertainment stars sa Taiwan, Thailand, iba pang Asian countries at siyempre pa ang Hollywood.

Ang malaking lamang ni Liza sa mga kasabayan niya o maging sa iba pang mga artista Pilipinong ngayon, hindi lang kahenerasyon niya ang kanyang followers. Bibihira ang ganito, magkatulad sila ni Kris Aquino na may fans mula sa iba’t ibang henerasyon at social classes.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kaya kapansin-pansin na silang dalawa ang may pinakamaraming product endorsements.

Sapin-sapin ang projects ni Liza sa ABS-CBN. Habang kasagsagan ng Bagani na magtatapos na ngayong linggo, paspasan na rin ang training at shooting niya sa Darna.

Makakabuwelo na siya ngayon sa production ng movie. Ito ang biggest project ng Star Cinema na kung magagawang maayos o world-class ng direktor na si Erik Matti, puwedeng magkaroon ng international release.Pambato natin si Liza sa international market kung mapag-aaralan nang maayos ang marketing sa Darna.

Dapat isaalang-alang na hindi lang sa Pilipinas hinahangaan ang beauty ni Liza. Kinakabog nga niya ang international celebs sa iba’t ibang beauty lists. At malakas ang appeal ng superhero movies sa audience worldwide.Mystified ang marami sa beauty ni Liza.

Pero nananatili siyang grounded.“I like it that when I’m not Liza, people call me Hope (ang tunay na pangalan niya). Because it makes me feel that I’m still Hope and lose that sense of who I really am,” sabi ng alaga ni Ogie Diaz nang humarap sa finale presscon last week.

Siya rin lang ang worldwide beauty na walang kiyemeng umaamin na insecure siya sa itsura niya.Lalo siyang hinahangaan sa pagiging humble at honest niya.

Samantala, maghihiwalay muna sila ng projects ni Enrique Gil pero muling magkakasama sa pelikula na intended ipalabas sa Valentine season next year.

-DINDO M. BALARES