ATHENS (Reuters) – Dalawang pamayanan sa Greek island ng Evia ang inilikas nitong Linggo dahil sa forest fire, na pinalala ng malakas na hangin.

Inilarawan ng fire brigade ang evacuation ng Kontodespoti at Stavros village sa central Evia, may 70 kilometro ang layo mula sa Athens, bilang precaution.

Isang wildfire malapit sa kabisera noong Hulyo ang pumatay ng 94 katao.

Ipinahayag ni Prime Minister Alexis ang demolisyon ng libu-libong illegal buildings bilang tugon sa maraming namatay na hindi nakalabas sa maze ng mga kalyeng hindi maayos ang pagkaplano.
Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage