IBINUNYAG na ni Miss Universe Spain 2017 Sofia del Prado ang pakikipagrelasyon niya sa kapwa babaeng si Laura Nicholls, isang basketball player, sa kanyang Instagram account nitong Linggo.

Sofia at Laura copy

Nag-post si Sofia ng larawan nila ni Laura, na kuha mula sa dinaluhan nilang kasal. Caption ni Sofia sa post, “ No podía haber pedido mejor pareja para la boda de@jorge_matamoros. Gracias por ser tú y estar a mi lado. (I could not have asked for a better couple for the wedding of @jorge_matamoros. Thanks for being you and being by my side).”

Gayundin, nag-post si Laura, na kabilang sa national basketball team ng Spain, mula pa noong 2008, ng photo nila ni Sofia na naghahalikan.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

“Algunos lo sabéis ya pero al resto... algún día llegará alguien que os dará la vuelta a la vida entera y encontraréis 1000 y una nuevas formas de ser feliz! (Some of you already know, but to the rest ... someday someone will come who will turn you over your whole life and you will find 1000 and a new way of being happy!)” caption niya.

Unang kinoronahan si Sofia, 23, bilang Reina Hispanoamericana noong 2015. Nagwagi naman siya bilang Miss Spain noong 2017 at nakapasok sa Top 10 sa 66th Miss Universe pageant.

Ang successor ni Sofia, si Angela Ponce, ay isa ring tagapagtaas ng karangalan ng LGBTQ+ community, dahil siya ang unang transwoman na nakasungkit sa titulong Miss Universe Spain at nakatakdang makipagtunggali sa ibang mga kandidatang mula sa iba’t ibang bansa, sa 68th Miss Universe pageant sa Disyembre 17.