BUENOS AIRES (AFP) – Bumoto ang mga senador ng Argentina nitong Huwebes laban sa pagsasabatas sa abortion sa bansa ni Pope Francis.

Tinapos ng botohan, 38 ang kumontra, at 31 pumabor at dalawang abstentions, ang marathon session na nagsimula nitong Miyerkules hanggang sa madaling araw ng Huwebes.

Nagkislapan ang fireworks at naghiyawan ang anti-abortion activists na nagkampo sa labas ng Congress, habang nalaglag ang pakpak ng pro-choice campaigners.

Ang ilan ay nagsunog ng mga basura at binato ang riot police, na nagtangkang buwagin ang mga tao gamit ang tear gas at water cannon.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Pumasa ang Argentine bill sa mababang kapulungan ng Congress noong Hunyo sa botong 129 pabor at 125 kontra, ngunit inasahan nang kakapusin ng boto para makalusot sa Senate.