Ikinalugod ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang desisyon ng Supreme Court (SC) na mag-isyu ng Precautionary Hold Departure Order (PHDO) sa mga akusado sa kasong kriminal para hindi makaalis ng bansa.

Ayon kay Guevarra, ikinalulugod nila na nauunawaan ng SC ang hamon na dinaraanan ng DoJ sa pagpapatupad ng Watch List Orders (WLOs) at Hold Departure Orders (HDOs). Malaking tulong ito sa mga korte para mapigilan ang paglabas ng bansa ng mga akusado sa mabibigat na kaso tulad ng drug trading, human trafficking, large-scale estafa, at terrorism.

Sa botong 11-1, inaprubahan ng SC ang ruling sa PHDO o ang written court order na nag-aatas sa Bureau of Immigration (BI) na pigilang makalabas ng bansa ang mga akusado sa kasong may katapat na parusang pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na taon.

-Beth Camia
Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema