Inggit ang isa sa mga sinisilip na motibo sa pagpatay sa pulis- Maynila na tinambangan sa sabungan sa Malabon City, noong Linggo ng hapon.

Sa nakalap na impormasyon ng Balita, marami umano ang nainggit kay SPO2 Rodolfo Cruz, 51, ng Barangay Dampalit ng lungsod, simula nang pamahalaan nito ang Dampalit Cockpit Arena na matatagpuan sa Don Basilio, Bautista Boulevard, Bgy. Dampalit.

Ayon sa malapit na kaibigan ni SPO2 Cruz, tumangging magpabanggit ng pangalan, dumami ang nagsabong sa nasabing cockpit arena dahil sa maayos na pamamalakad ni Cruz.

“Madami kasing kaibigan si Jojo at yung iba mga bigtime na sabungero at mahusay makisama, hindi katulad ng ibang pulis na suplado,” sabi pa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, nakapaloob din sa imbestigasyon ng Northern Police District (NPD) na may kinalaman sa trabaho ang motibo sa pagpatay kay Cruz.

Itinalaga si Cruz sa Intelligence Division ng NPD noong 2008, bago nalipat sa Manila Police District (MPD).

-Orly L. Barcala