Inaprubahan nitong Martes ng House Committee on Human Rights sa pamumuno ni Rep. Cheryl Deloso-Montalla (2nd District, Zambales) ang Joint Resolution No. 24, para palawigin pa ang bisa at availability ng pondo para sa pagbabayad sa mga biktima ng Martial Law.

Ang resolusyon ay inakda ni Rep. Carlos Isagani Zarate (Party-list, Bayan Muna), upang mabigyan ng angkop na kompensasyon ang libu-libong biktima ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Upang maipatupad ang JR No. 24, aamyendahan ang Republic Act Nos. 10368 at 10766.

Dumalo sa pagdinig ng komite sina CHR chairperson Jose Luis Martin Gascon, Dr. Aurora Corazon Parong ng Human Rights Victims Claims Board (HRVCB), Senior Vice President Leila Martin ng Land Bank of the Philippines, Dir. Marcela Salazar ng Bureau of Treasury, at human rights victims/claimants mula sa grupong Selda International at Desaparicidos.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

-Bert De Guzman