Humirit ang Office of the Ombudsman ng P5 bilyon budget para sa 2019, subalit P2.855B lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management.
Ito ang ipinabatid ni Ombudsman Samuel Martires sa House Committee on Appropriations kasabay ng pagtitiyak na magiging patas siya sa pagganap sa kanyang sa tungkulin.
Pinuri ni Rep. Edcel Lagman (1st District, Albay) ang bagong Ombudsman dahil sa commitment nito sa kanyang constitutional mandate at hindi magpapa-pressure sa nakatataas sa kanya.
Sinabi ni Martires na ang una niyang gagawin bilang Ombudsman ay ipag-utos ang pagbasura sa mga kaso na mahigit isang taon nang ginagawan ng fact-finding investigation. “Ever since I was a trial court judge until I reached the Supreme Court, I’ve been fair with my dealings with the accused and complainants,” aniya.
-Bert De Guzman