Nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala ang isang grupo ng Cabinet members, sa halip na warships, para matiyak ang ligtas na pagpapalaya sa mga dinukot na Pilipino sa Libya.
Inatasan ng Pangulo ang high-level task force sa pangunguna ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na makipagtulungan sa Libyan government sa pagtugon sa hostage crisis, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Kasama sa government team sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers (OFW) Concerns Abdullah Mamao, at Mindanao Development Authority Secretary Datu Abul Khayr Alonto.
“We have formed a high-level all cabinet member team to deal with Libyan government and help in effort to recover two of our countrymen who were kidnapped together with a South Korean national,” lahad ni Roque sa press briefing sa Palasyo.
Sinabi ni Roque na napagtanto ng Pangulo na mas mainam na magpadala ng task force ang gobyerno para tugunan ang hostage situation kaysa mga barkong pandigma.
“The problem that complicates this latest case of kidnapping is that the kidnappers are not state agents of Libya. They are militias who are engaged in an armed conflict with the Libyan government. That’s why it was deemed more prudent to work with the Libyan government to see what the demands are,” ani Roque.
Dinukot ng mga armadong militante ang tatlong Pinoy engineers at isang South Korean national sa pag-atake sa isang waterworks project sa Libya noong nakaraang buwan. Nagpadala na ang South Korea ng warship sa Libya para tiyakin ang paglaya ng mamamayan nito.
-GENALYN D. KABILING