Inilunsad ng Department of Health (DoH) ang isang tri-beauty pageant upang humanap ng mga HIV/AIDS advocacy ambassador, na hihikayat sa mga taong may HIV/AIDS na magpagamot.

Aminado ang DoH na patuloy pa ring dumarami ang mga Pinoy na dinadapuan ng HIV/AIDS infection dahil umano sa takot ng iba na magpatingin sa doktor kaugnay na rin ng nagpapatuloy na HIV-related stigma.

“As we speak, HIV cases continue to rise and the worst part is, many of the cases are among individuals who are afraid to get themselves tested,” ani DoH Secretary Francisco Duque III.

Sa nakalipas aniyang 10 taon, ang average number ng naitatalang biktima ng HIV sa bansa ay tumaas ng mula isa hanggang 31 kada araw.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Ang Pilipinas din, aniya, ang may pinakamalaking porsiyento ng naitalang bagong kaso ng HIV cases sa Asya at Pacific Region simula 2010 hanggang 2016, na pumalo sa 133 porsiyento.

Iniulat na ng DoH-National Epidemiology Center (NEC), na nakapagtala sila ng 993 bagong dinapuan ng HIV/AIDS noong Hunyo 2018.

Upang masugpo ang high incidence ng HIV, inilunsad ng DoH ang tri-beauty pageant na “LHIVE FREE”, na nangangahulugang maaaring lumahok sa pageant maging lalaki man, babae at transgender woman, na may edad 20-26, may good communication skills, at passionate sa layunin ng kampanya.

Ang pageant night ay idaraos sa Setyembre 28, at tatlo ang kokoronahan.

Ang mga magwawagi ay tutulong sa DoH upang baguhin ang mga maling impormasyon at negatibong stigma hinggil sa HIV at AIDS, at mahikayat ang mga pasyente nito na magpagamot.

-Mary Ann Santiago