AYON kay Pangulong Rodrigo Duterte, walang problema sa pagpapakasal hanggat naniniwala ang bawat partido, lalo na ang groom, sa kasagraduhan ng kasal.

Bong, Stephen at Pres. Digong

Nagkomento si Duterte tungkol dito nang makipagpulong siya sa Hollywood actor na si Stephen Baldwin sa isang hotel sa Taguig City, nitong Miyerkules ng gabi.

Medyo showbiz ang panimula ng meeting ng Pangulo sa aktor nang hingian ni Baldwin si Duterte ng kanyang opinyon tungkol sa pagpapaksal ng anak niyang si Hailey Baldwin sa Canadian singer na si Justin Bieber.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“During the start of the meeting, Mr. Baldwin asked the President’s opinion on his daughter’s engagement to actor, singer, and songwriter Mr. Justin Bieber,” sabi ni Special Assistant to the President Christopher Go.

Ayon kay Go, nagbigay din ang Pangulo ng payong ama sa aktor, hinggil sa pagkakasal ng anak niya.

“The President responded that as long as Mr. Bieber truly believes in the sanctity of marriage, Mr. Baldwin has nothing to worry about,” dagdag pa niya.

Kinumpirma mismo ni Hailey ang balita ng kanyang engagement ni Hailey kay Bieber nitong nakaraang buwan. Bieber also confirmed it through an Instagram post just hours later.

Nasa bansa si Stephen, kapatid ng aktor na si Alec Baldwin, para sa kanyang anti-drug film na Kaibigan, na nakatakdang ipalabas sa Setyembre. Magkakaroon din umano ng international screening ang nassabing pelikula.

Tampok sa pelikula ang si Baldwin at ang Pinoy actors na si Jean Garcia at Cesar Montano, at iba pa. Mayroon ding special participation si Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant Secretary Margaux Uson sa pelikula.

Ayon sa media reports, gaganap si Uson bilang isang reporter na siyang mag-uulat ng mga mabubuting balitang nagaganap sa komunidad

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS