SAN JUAN, Batangas - Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang natagpuan ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng engkuwentro sa pagitan ng militar at grupo ng mga rebelde sa Barangay Bulsa, San Juan, Batangas, kahapon.

Ayon kay Public Affairs chief, Capt. Patrick Jay Retumban ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army (PA), ang bangkay na tinabunan ng palapa ng niyog ay nadiskubre sa madamong lugar sa Sitio Sampaloc, Bgy. Bulsa, nitong Miyerkules ng hapon.

Aniya, nagsasagawa ng tracking operations ang mga sundalo sa lugar nang madiskubre ang bangkay.

Ang bangkay ay kinilala sa alyas na Jepoy, na kaanib umano ng

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kilusang Larangang Gerilya Silangan.

Pinaniniwalaan ng militar na kasama si Jepoy sa mga napuruhan nang makasagupa ng grupo ng mga rebelde ang mga militar sa naturang lugar, nitong Hulyo 29.

Kaugnay nito, kinondena ni 2nd ID commander, Major General Rhoderick Parayno ang kapabayaan ng mga rebelde sa mga miyembro nilang napapatay sa labanan.

"The NPAs do not respect the life of their comrades. They should provide proper medication to those that are wounded. But the most unacceptable thing is to leave a comrade behind and conceal the body by covering it with dried leaves," diin niya.

-Lyka Manalo