HINDI sinagot ni Alice Dixson ang mga tanong kung bakit siya nakapasok sa Boracay gayung sarado pa ito sa mga turista, dahil sa October 26 pa bubuksan ang islang isinailalim sa rehabilitasyon.

Alice

May mga legit questions, gaya ng allowed na ba ang guests na pumunta sa Boracay? Paano pinayagan si Alice na pumasok sa Boracay? Humanitarian mission daw ba? Nag-deliver ba siya ng rice at food sa residente? Palakasan daw ba?

Tinanong din kung bakit nakapagpa-picture si Alice sa may beach front at pati ‘yung pet dog niya ay nakatakbo sa beach shore.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May mga dumepensa kay Alice, at may nag-post ng guidelines sa mga pinapayagang makapasok sa Boracay. May nagbanggit din na birthday ni Alice kaya nasa Boracay siya. May nag-comment pa na residente ng Boracay si Alice, at neighbor nga raw niya ang aktres.

Hanggang may isang nag-comment na kaya nakapasok si Alice sa Boracay dahil boyfriend niya ang isa sa mga executives ng Shangri-La Group of Companies. Allowed daw ang business owner at hotel owner na pumasok sa Boracay. At dahil girlfriend daw ng nasabing executive si Alice ay kasama ang aktres na nabigyan ng access na makapasok sa isla.

Isa naman ang nag-comment na ang boyfriend daw ni Alice ay ang manager ng The Lind.

Ayan, may mga magre-research na kung sino ang sinasabing boyfriend ni Alice, at makiki-research na rin kami.

-NITZ MIRALLES