GAB, umaayuda sa horse racing industry

KABUUANG 17 legal cases ang natanggap ng Games and Amusement Board (GAB) at kasalukuyang dinidinig, kabilang ang inihaing Temporary Restraining Order (TRO) ng mga horse racing owners hingil sa naging epekto ng TRAIN Law sa industriya ng karera.

Ayon kay GAB Chairman Abraham Mitra, masusing ginagampanan ng legal division ng ahensiya, sa pangunguna ni Atty. Omar Benitez ang mga naihaeng reklamo, tampok ang 14 na contract dispute sa mga professional boxers.

“We’re doing our best to resolve the issues sa managerial and promotional contract ng mga boxers. Pag tumagal kasi ang mga ganitong problema, yung mga fighters din natin ang magsa-suffer in the end,” pahayag ni Mitra sa media briefing sa Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inamin ni Mitra na maraming promoters, handlers at match-makers ang patuloy na gumagamit ng ‘back door’ para kumita sa kanilang mga boxers kung kaya’t mas naghigpit ang ahensiya sa pagpapataw ng mas mabigat na kaparusahan.

‘Hindi kami mangigiming bawian sila ng lisensya at i-blacklist,” sambit ni Mitra.

Ayon kay Mitra, malaki ang naitutulong ng social media para mapabilis ang pagsawata nila sa mga illegal na gawain ng ilan sa pro boxings.

‘Madali namin malaman dahil sa social media pa lang pag may reklamo o sumbong nakikita agad namin,” aniya.

Hingil sa TRO, tunay na tinamaan ang sales sa mga karerahan sa nakalipas na buwan kung kaya’t nagsasagawa nang masinsinang pakikipag-ugnayan ang GAB Horse racing Betting Supervision Division, hingil sa mga programa na makatutulong sa muling pagsipa ng sales.

Nitong Hulyo 3, nagdesisyon ang tatlong malalaking racing club sa bansa – Sta. Ana, San Lazaro at Metro Turf – na ilagay na lamang ang Daily Double sa penultimate race ng programa, habang ang Forecast ay sa huling karera na lamang isinasagawa.

‘In good faith, these measures were initiated to fight the illegal betting operations in the country. However, by using these measures, the sales decreased dramatically because Daily Double and Forecast si part of the top three events that enhance the sales,’ ayon sa ulat ng GAB.

Ayon kay Mitra, plano ng racing club na buhayin ang Place and Double Quinella events and subukan ang Double Trifecta at Triple Trifecta.

“Hopefully, this time, sales will increase,” sambit ni Mitra.

‘Kami naman sa GAB ready to help and supports our partner. Yung TRO sa TRAIN Law, on going pa. Let see kung ano ang maging resolusyon doon,” aniya.

-Edwin G. Rollon