MADALAS na ang mga pamagat ng sikat na kanta ay ginagawang titulo ng pelikula or teleserye. Halimbawa nito ang bagong teleserye ng Kapamilya, ang Halik, na signature song ng iconic singing group na Aegis.

Halik poster

Tampok sa bagong teleserye ang drama king na si Jericho Rosales, with strong support mula kina Yen Santos, Yam Concepcion, at Sam Milby.

Ang konsepto ay nagmula kay Ms Charo Santos-Concio, matapos niyang mapanood ang first major concert ng Aegis sa Araneta Coliseum kamakailan lamang. Guests artist si Jericho sa naturang concert.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang teleseryeng Halik ay tungkol sa mga suliranin ng mag-asawa at ng pakikiapid. Tatalakayin din ang wagas na pagmamahal at ang mga tuksong sumisira sa relasyon.

Para kina Yen at Yam, mapangahas ang tema ng Halik, na parehong ngayon lang nila gagampanan.

Lubos namang natutuwa ang Aegis sa pagkakapili ng kanilang kanta sa teleseryeng idinidirehe ni Ruel Bayani.

-REMY UMEREZ