Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga taong-Simbahan na sila ay tinawag ng Panginoon upang pagkaisahin ang mga tao at hindi para lumikha ng pagkakawatak-watak sa lipunan.

Sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng 5th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE5) nitong Linggo ng hapon, iginiit ni Tagle na ang nais ng Panginoon na magkaroon ng pagkakaisa ang mamamayan at maging isa sa pagkakaroon ng diwa ng pagmamalasakit.

“It is not the role of the shepherd to scatter. The role of the shepherd according to the mind and heart of God is to gather and that is the root of the word Church, not division,” banggit ni Cardinal.

“All of us who have been called to follow Jesus and who have been given positions, calling and responsibility over the others should be mindful of that,” paliwanag pa nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nagbabala rin si Tagle laban sa paggamit ng Salita ng Panginoon para sa pansariling interes at layuning walang kinalaman sa evangelization, dahil hindi aniya ito ang nais na mangyari ni Hesus.

“They say it’s the Gospel, it turns out to be an ambition. They say it’s aid, it turns out to be media mileage. They say it’s compassion, it turns out to be career,” aniya pa.

Ang PCNE5, na may temang ‘Moved with Compassion: Feed the Multitude,’ ay idinaos mula Hulyo 18 hanggang Hulyo 22, 2018 at dinaluhan ng tinatayang may 5,000 participants mula sa buong mundo.

-Mary Ann Santiago