Naniniwala ang UK police na natukoy na nila ang mga suspek sa likod ng Novichok nerve agent attack sa dating Moscow double agent at sa anak nito—at ito umano ay mga Russian.

“Investigators believe they have identified the suspected perpetrators of the Novichok attack through CCTV and have cross-checked this with records of people who entered the country around that time,” ayon sa isang source na may nalalaman sa imbestigasyon. “They (investigators) are sure they (suspects) are Russian,” dagdag ng source.

Matatandaang nawalan ng malay ang Ex- Russian spy na si Sergei Skripal at ang kanyang anak na babae sa English city ng Salisbury, matapos ma-expose sa nerve agent Novichok, nitong Marso 4.

Sinisisi ng Britain ang Russia sa tangkang paglason sa Skripal, na dating military intelligence colonel na nakulong nang ipagkanulo ang ibang Russian agents sa MI6 foreign intelligence service Britanya.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

(AFP)