SA wakas ay nakilala na ni Drake ang creator ng ngayon ay tanyag na In My Feelings Dance Challenge, ang social media personality at comedian na si Shoker, ayon sa Entertainment Tonight.

Shoker at Drake copy

Ang In My Feelings ay kantang isinulat at inawit ni Drake. Ipinost ng 31 taong gulang na rapper sa Instagram nitong Martes ang larawan niya kasama ang creator ng The Shiggy Show. Noong Hunyo 29 inilabas ng comedian ang bagong dance set sa pinakabagong single ni Drake mula sa kanyang album na Scorpion.

“Met the legend on the night we went number one. @theshiggyshow,” caption ng Nice For What rapper sa litrato. Ini-repost naman ni Shoker ang parehas na picture sa kanyang social media page, at caption niya, “Life Is Amazing It Is What It Should Be. @champagnepapi #DoTheShiggy.” Nag-post din siya ng Instagram Story video ng pakikipagkita niya kay Drake.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mula nang i-post ng comedian ang video, ilang celebrity na ang tumanggap ng challenge, kabilang sina This Is Us stars Sterling K. Brown at Susan Kelechi Watson, New York Giants pro Odell Beckham Jr., Ciara at kanyang asawa, ang Seattle Seahawks quarterback na si Russell Wilson, si Kevin Hart at marami pang iba.

Isa sa mga most epic videos ay ang video ni Will Smith, dahil ibang level ang kanyang version nang sa popular na Chain Bridge sa Budapest niya ginawa ang challenge.

“Last day in Budapest. I woke up #InMyFeelings. I’ma Keep It... I was TERRIFIED up there,” caption niya sa video. “That’s why my dance moves is all STIFF! Haha #InMyFeelingsChallenge #DoTheShiggy.”