NITONG Martes ay inihayag ng pop legend na si Cher ang ire-release na album ng Abba covers, kasabay ng kanyang pagkabilang sa film sequel na Mamma Mia!, ang musical na inspired ng iconic Swedish group.

Cher

Inihayag ng 72 taong gulang na singer at actress, na nanumbalik ang kanyang creative spirit makaraang awitin ang isa sa signature

so I did,” sabi ni Cher sa Today, ang NBC television daytime show.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“It’s not what you think of when you think of Abba, because I did it in a different way,” sabi pa ni Cher, ngunit hindi niya ibinunyag ang tracklist o ang release date.

Ang album ang unang unang studio work ni Cher mula nang ilabas ang dance music-driven album na Closer to the Truth noong 2013. Nagkaroon career revival ang dating duo na Sonny and Cher noong 1990s at ito ang may tangan ng record para sa pinakamatagal na gap, sa mga naging number-one songs sa US chart, dahil umabot ito ng halos 25 taon.

Nitong mga nakalipas na taon ay nagtuon si Cher sa residency show sa Las Vegas. Hindi siya lumabas sa anumang pelikula mula nang bosesan niya ang isang lion sa 2011 movie na Zookeeper.

Abba songs ang ginamit na awitin sa orihinal na Mamma Mia! stage musical at sa unang pelikula para ikuwento ang istorya ni Sophie, na nagpaplano ng kanyang kasal sa isang Greek island, katuwang ang kanyang free-spirited na ina, si Donna. Kasabay nito ang kanyang plano para makilala ang kanyang tunay na ama, na ginawan niya ng comic results.

Para sa sequel, si Cher ang gaganap na ina ni Donna, na gagampanang muli ni Meryl Streep.

Ang pelikula ay ipalalabas kasunod ng release ng bagong kanta ng Abba, makalipas ng 35 taon mula nang ilabas ng grupo ang kanilang huling single.

-Agence France-Presse