Hinamon ng mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Catholic schools sa bansa na hubugin din ang ‘spiritual intelligence’ ng mga mag-aaral.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, bise presidente ng CBCP, ang paghubog sa ‘spiritual intelligence’ ng kabataan ang dapat na maging marka ng Catholic schools.

“Marami na ngayon mga other forms of intelligences, pero isa sa mga dapat nating i-develop na intelligence ay ‘spiritual intelligence’ ang tawag dito ‘discernment’ ito yung dapat the mark of a Catholic School, kasi syempre hindi naman tayo ordinaryong eskuwelahan bilang eskuwelahan parang hinuhubog natin sa mga Christian values ang ating mga estudyante at they have to learn from Jesus na matuto na how to deal with this world,” mensahe ni David sa dalawang araw na taunang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP)–National Capital Region (NCR) Conference, na ginanap sa Siena College of Quezon City.

-Mary Ann Santiago
Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'