MAKIKIPAGPULONG ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga opisyal ng Baguio City, sa pangunguna ni Mayor Mauricio Domogan para sa paghahanda sa gaganaping National Finals ng PSC- Batang Pinoy sa Setyembre 15-21.

Pangungunahan ni PSC sports coordinator Annie Ruiz ang grupo na siyang makikipag ugnayan sa mga sports coordinator ng Baguio City para himayin ang mga pagangailangan sa torneo.

Sisilipin din ng grupo ang mga venues na maaring pagdausan ng mga sporting events, kabilang na dito ang mga lugar na maaring tirahan ng mga kalahok na coaches at atleta atmga opisyal.

Ang nasabing lungsod ang siyang binigyan ng pagkakataon ng Philippine Sports Commission (PSC) na pamahalaan ang hosting para sa nasabing kompetisyon para sa mga kabataang may edad 15-pababa, kasama na ang mga out-of-school youth.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginanap ang naunang tatlong legs ng nasabing kompetisyon sa mga lungsod ng Vigan Ilocos Sur para sa Luzon leg, Dumaguete City para sa Visayas leg at sa Misamis Occidental para sa Mindanao leg.

Bukod sa kilalang tourists destination, sa Baguio din matatagpuan ang karamihan sa mga atleta ng bansa na duon nagsasagawa ng kanilang training partikular na ang sport ng boxing, dahil na rin sa magandang klima nito.

-Annie Abad