LIMA (AFP) – Daan-daang Peruvians ang nagmartsa nitong Miyerkules para hilingin na ireporma ang hudikatura matapos lumutang ang audio recordings na nagbubunyag sa mga diumano’y katiwalian ng mga hukom at miyembro ng ahensiyang namamahala sa pagtatalaga ng mga mahistrado.

‘’Get out criminal gang; get out corrupt judges; get out rats!,’’ mababasa sa placards na bitbit ng mga manggagawa at estudyante sa San Martin Plaza, malapit sa Government Palace sa Lima.

Ang mga protesta ay bunsod ng paglabasan ng eskandalosong audio recordings mula Linggo hanggang Miyerkules -- kung saan ang mga hukom at miyembro ng National Council of Magistrates ay narinig na nag-aalok ng pinababang sentensiya, humihiling ng mga pabor o nagtatakda ng kabayaran para sa improper actions.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina