TARGET ng Davao Occidental Cocolife Tigers na masakmal ang ikatlong panalo sa pakikipagtuos sa Makati Skysrapers sa kanilang pagtutuos sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Hulyo 19 sa Alonte Sports Arena, Binan , Laguna.

Matapos magtala ng dalawang sunod na panalo ang Tigers, pinangangasiwaan nina team owner Ms. Claudine Bautista ng Davao Occidental katuwang sina FVP Joseph Ronquillo; AVP Rowena Asnan; Managers Bhong Baribar at Ray Alao, nasorpresa ito ng Bataan Risers sa Navotas Sports Complex

Mula sa 88-91 kabiguan, handang rumesbak ang koponan mula Mindanao kontra Makati Skyscapers na pumupuntirya rin ng ikatlong panalo matapos na yumukod sa kamay ng MPBL first conference titlist Batangas .

“Breaks of the game ang pagkabigo namin against Bataan so we went back to drawing board to analize our strenght and weaknesses.We will put up speed and precision against Skysrapers when we meet in Binan, Laguna next,” sambit ni head coach Don Dulay.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sasandig ang tropang Davao Cocolife sa matinik na tambalang homegrown na si Emman Calo at Joseph Terso , Arnold Adormeo, Mark Yee,Bonbon Cusatodio,Billy Roblesz,Bogs Raymundo,Leo Najorda at iiba pang homegrown nito sa team roster habang pag-aaralan ng coaching staff kung paano mapipigilan ang go to guy na si ex-pro Philip Panimogan, Mark Isip at Rudy Lingganay.

Samantala, bilang kabahagi sa pagsirit ng popularidad ng MPBL sa bansa,nagpakulo ang Davao Occidental Cocolife sa pangunguna ni team owner Bautista ay magpapa-raffle isang motorsiklo [single] kada may laro ang Tigers para sa paliga ni Senator Manny Pscquiao.