WELLINGTON (AFP) - Ipinahayag kahapon ng New Zealand ang mga plano nitong magpaluwal ng NZ$2.35 bilyon ($1.6B) sa apat na Boeing P-8A Poseidon maritime patrol aircraft mula sa US government para mas mabantayan ang malawak na Pacific.

Papalitan ng mga eroplano, modified version ng Boeing 737 commercial airliner, ang luma nang fleet ng anim na P-3 Orions na nasa serbisyo simula 1960s, sinabi ni Defence Minister Ron Mark.

‘’The purchase enables New Zealand to continue to deploy in a wide range of airborne maritime situations independently and, when required, work with partners including Australia, the United Kingdom and the United States,’’ aniya.

Ang hakbang ng NZ ay kasunod ng pahayag ng Australia na mamumuhunan ng $5.2B sa high-tech US drones para sa joint military operations at para mabantayan ang karagatan, kabilang na ang South China Sea
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina