Magtataas ang Manila Electric Company (Meralco) ng 31 sentimos kada kilowatt hour (kWh) sa singil sa kuryente ngayong Hulyo.
Dahil sa bagong rate adjustment, umaabot na sa P10.19/kWh ang overall rate sa kuryente, mula sa dating P9.88/kWh noong Hunyo.
Itinuturong dahilan ng Meralco sa dagdag-singil ang pagtaas ng generation charge ng 28/kWh, gayundin ang patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.
Ang naturang taas-singil ng Meralco ay katumbas ng P62.60 na dagdag sa mga tahanang kumukonsumo ng 200/kWh kada buwan, P93.90 naman na dagdag kung ang konsumo ay 300/kWh kada buwan, habang P125.20 dagdag kung ang konsumo naman ay 400/kWh bawat buwan.
Aabot naman sa P156.20 ang dagdag para sa mga kumukonsumo ng 500/kWh kada buwan.
-MARY ANN SANTIAGO