NA-EXCITE ang fans nina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa napapanood nila ngayon sa epidemic serye na The Cure. Wish nilang magkatotoo na maging sina Charity at Darius na lang hanggang sa pagtatapos ng serye, na idinidirek ni Mark Reyes.

Wish din nila na maging sina Greg (Tom Rodriguez) at Katrina (LJ Reyes) na lang ang magkatambal. Sa The Cure, mag-asawa sina Charity at Greg, na nagkahiwalay sa pag-iwas sa mga infected.

Sa simula pa lamang kasi ng serye, hindi na itinago ni Katrina ang damdamin niya kay Greg, kaya nga sila ang nagkasama nang magkahiwa-hiwalay na sila. Ayaw kasi ni Katrina na mahiwalay kay Greg kahit alam naman niya na may-asawa at anak na ito.

Dati ay magkasama sina Greg at Charity, pero nagkahiwalay sila sa pag-iwas sa mga infected. Si Charity naman ay napasama sa grupo ni Darius.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa simula ng story, mayabang si Darius, wala siyang sinasanto na kalabanin pero nang magkasama na sila ni Charity, nabago ang pananaw niya sa buhay, naging maunawain siya at naging fair sa mga kasama nila sa isang kampo na umiiwas sa mga infected. Si Charity rin ang dahilan kaya lumaban si Darius sa malupit na pamamalakad ni Fernan (Jay Manalo), na astinalo niya hanggang sa makatakas ito, pero hindi nakaligtas sa mga infected at namatay.

Sinabi naman ni Katrina kay Greg na patay na si Charity at ang anak nilang si Hope. Kahit kay Charity, sinabi ni Katrina na ang alam niya ay patay na rin si Greg, at hindi na sila babalikan. Pinilit pa ni Katrina na magkaroon sila ng relasyon ni Greg, pero hindi niya nabago ang pagmamahal ni Greg kay Charity.

Minsang nagkasakit si Charity, ang tinawag niya ay ang pangalan ni Greg, pero si Darius na nag-alaga sa kanya. Inamin ni Darius na hindi siya si Greg at nagtapat na siya ng tunay na nararamdaman kay Charity. Kaya naman natuwa ang mga netizens na parang nagpalit daw ng katambal ang apat.

After ng StarStruck, na itinanghal na ultimate winners sina Jennylyn at Mark ay paborito pa rin ng fans ang kanilang love team, lalo na dahil naging magkasintahan naman talaga sila.

Tinanong namin si Direk Mark kung ganoon nga ang mangyayari sa story, pero sinagot niya kami na manood na lang daw kami dahil patapos na ang The Cure, na napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

-Nora V. Calderon