Nadiskubre ng Senate Committee on Health na minadali umano ang pag-apruba sa Special Allotment Release Order (SARO) ng Dengvaxia Fund, na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon, at napag-alamang kasabay nitong ipinalabas ang P1.8-bilyon pondo para sa Barangay Health Sanitation (BHS) program ng Department of Health (DoH).

Ayon kay Senator JV Ejercito, Disyembre 29, 2015 o anim na buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III ay nilagdaan ang nasabing release order, na pinatotohanan ni Health Undersecretary Roger Tong-6An sa pagdinig sa Senado kahapon.

Isiniwalat ni Tong-An na ang SARO number ng Dengvaxia ay 150028813, at 150028814 naman ang SARO number ng BHS. Pawang galing sa 2015 Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) ang mga nabanggit na release order.

Samantala, sa susunod na linggo ay iimbestigahan naman ng Senado kung paano nabili ng nakaraang administrasyon ang mga sasakyang ginagamit ngayon ng Philippine National Police (PNP).

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

-Leonel M. Abasola