Ipinagmalaki at pinuri kahapon ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal si Romnick Espiritu, taxi driver, sa pagsasauli nito ng pera at gamit ng kanyang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)- Terminal 2, sa Pasay City.

Pinasalamatan ni Belen Zoza Swegler, 66, US citizen, si Espiritu nang buo niyang natanggap ang laman ng kanyang pouch na P50,000 cash; US$2,000; credit card; identification (ID) card at cell phone matapos niyang maiwan sa loob ng taxi na minamaneho ni Espiritu.

Base sa ulat, galing si Swegler sa Palawan at dumating sa NAIA saka pinara si Espiritu at nagpahatid sa Newport, sa Pasay. Pagbaba ni Swegler sa destinasyon, hindi niya namalayang naiwan niya ang kanyang pouch sa taxi.

Agad bumalik si Swegler sa airport upang humingi ng assistance sa mga pulis at lingid sa kanya na bumalik agad si Espiritu sa paliparan upang ipaalam sa airport authorities.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Bella Gamotea