MEXICO CITY (AFP) – Ang aktibistang si Andres Manuel Lopez Obrador ang nagwagi sa presidential election ng Mexico nitong Linggo, ayon sa exit polls.

Tatlong polling firms ang naglabas ng panalo ng dating mayor ng Mexico City mayor. Sa exit poll ng pahayagang El Financiero, nakuha ni Lopez Obrador ang 49 porsiyento ng mga boto laban sa 27% ng conservative na si Ricardo Anaya at 18% ng ruling-party candidate na si Jose Antonio Meade. Ganito rin halos ang resulta ng exit polls ng polling firms na Mitofsky at Strategic Communications Cabinet.

Kapwa tinanggap nina Meade at Anaya ang kanilang pagkatalo at binati si Lopez Obrador.

Sa ikatlo niyang pagtakbo sa panguluhan, nangako si Lopez Obrado, kilala bilang ‘’AMLO’’ na ipaglalaban ang mga pagbabago na hinihiling ng napakaraming Mexican.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

‘’I’m stubborn. It’s a well-known fact,’’ aniya. ‘’With that same conviction, I will act as president... stubbornly, obstinately, persistently, bordering on craziness, to wipe out corruption.’’