Inilunsad na kahapon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang hotline kontra sa kriminalidad sa Metro Manila.

Mismong si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang nanguna sa paglulunsad ng “Pulis na Abusado, Pusher at mga Loko, Agad I-send mo sa Team NCRPO” Hotline 0915-8898181 (Globe) at 0999-9018181 (Smart), sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Maaari aniyang mai-report sa nabanggit na hotline ang mga abusadong pulis, krimen, at insidenteng may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

Binalaan din niya ang mga police commander sa NCR na maging handa sa pagsubaybay sa kanilang mga tauhan sa pagbibigay-serbisyo sa kanilang nasasakupan upang hindi sila mawalan ng trabaho.

Sementeryo sa Albay, pinagbubutas; masangsang na amoy, umaalingasaw

“We cannot give service to to the public if we are lax. Let us show the public that we are snappy and ready to serve anytime. We want change in the PNP or am I the only one who wants that? I don’t think so,” pahayag ni Albayalde sa harap ng mga dumalong Metro Manila police commanders.

Tiniyak din nito na sisibakin niya ang mga police commander na mabigong madisiplina ang kanilang tauhan.

-Martin A. Sadongdong