BALIK aksiyon si dating WBA No. 4 super lightweight Csar Amonsot ng Pilipinas, ngunit nagsisilbi muna siyang sparring partner ni Australia-Victoria super lightweight champion Terry Tzouramanis.

Kakasa si Tzouramanis kay Phillipine welterweight champion Jayar Imson sa undercard ng sagupaan nina Lucas Matthysse ng Argentina at Pinoy boxer ding si Manny Pacquiao sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

May nakatakdang laban si Amonsot sa Hulyo 27 sa Melbourne, siyam na buwang makaraang ma-upset ni Paraguayan super lightweight titlist Carlos Manuel Portillo via 4th round knockout sa Melbourne Pavillion, Flemington, Australia noong Oktubre 6, 2017.

“Terry Tzouramanis trainer Ben Chau is leaving no stone unturned using former WBA world rated Filipino boxer Cesar Amonsot. They sparred 8 rounds today,” sabi ni Australian Hall of Fame Promoter Peter Maniatis sa Philboxing.com.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Terry is good and strong. It’s gonna be a good fight for sure with Inson,” sabi naman ni Amonsot. “Every one can punch specially when they can hit but I believe Terry will do well against Inson. He has the power and heart that’s the main thing for me in this sport.”

Si Amonsot din ang nagsilbing sparring partner ni Jeff Horn sa laban kay Pacquiao noong Hulyo 2, 2017 sa Brisbane, Australia kung saan na-upset ng Aussie boxer ang Pilipino sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision para maagaw ang WBO welterweight title.

-Gilbert Espeña