SA umpukan ng mga kapwa reporters ay napadako ang usapan sa aktor na si John Lloyd Cruz, na nagdiwang ng kanyang kaarawan the other day, June 24, kasabay ng kapistahan ni San Juan Bautista.

John Lloyd copy

Nakasanayan na rin naman sa mga taga-showbiz n a w a l a n g magarbong b i r t hday party si J o h n L l o y d p a r a sa mga kapwa niya taga-showbiz. Kumbaga, kadalasan ay lumipas lang ang araw ng kanyang kaarawan na walang ganap.

Pero nagtaka lang ang mga kasamahang reporters dahil parang hindi na raw napag-uusapan ang kaarawan ng aktor. Kumbaga, kahit sa Instagram account mismo ni Lloydie ay iilan lang daw ang bumati sa aktor, at kahit ang mga kapwa niya artista, o ang mga kaibigan niyang Kapamilya stars, ay walang bumati, huh!

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ilang mga fans lang niya ang bumati. Parang hindi na yata napag-usapan ang pangalan niya,”sey pa ng kasama namin sa umpukan, na isang beteranong manunulat.

Dagdag pa rin ng isang kasamahan, ayon pa raw sa isang taga-Star Magic— na ipinagmamalaki noon na si John Lloyd ang pinakasikat sa alaga nila—kahit isa raw sa mga alagang Star Magic artists ay walang nakaalalang batiin ang aktor, huh!

Kasama pa rin yata sa mga hindi nakaalala sa kaarawan ni John Lloyd ang mga kasamahan niya sa huling TV show niya, ang Home Sweetie Home.

Ang tanong ngayon ng mga kasama namin, sikat pa ba ang isang John Lloyd Cruz?

-JIMI C. ESCALA