PETERSBURG, Russia (AP) — Sa wakas, naipamalas ng Argentina ang porma ng isang tunay na kampeon sa World Cup.
Sa pangunguna ni Lionel Messi, isa sa pinasikat at pinakamayamang atleta sa mundo, at sa pakikipagtulungan ni Marcos Rojo, nagapi ng two-time champion ang Nigeria, 2-1, para makausad sa round of 16.
Nakaiskor si Victor Moses sa penalty sa ika-51 minuto para maitabla ng Nigeria ang iskor at malagay sa alanganin ang naghahabol na Argentina. Ngunit, naisalba ni Rojo ang koponan sa impresibong goal na nasaksihan ni football great Diego Maradona.
Haharapin ng Argentina ang France sa last 16 sa Kazan sa Sabado (Linggo sa Manila).
Sa Moscow, naging kabagot-bagot sa manonood ang no-bearing match sa pagitan ng France at Denmark.
Sa unang pagkakataon sa World Cup 2018, naitala ang 0-0 draw sa magkaribal na kapwa opasok na sa round of 16 anuman ang naging resulta ng laban.
Nasiguro ng Danes ang slots sa susunod na round matapos gapiin ng Peru ang Australia, 2-0, sa Sochi sa Luzhniki Stadium.
“We did what we needed,” pahayag ni Denmark coach Age Hareide. “We would have been stupid to open a lot of space for the French team.”