Kumpiyansa si Cebu Archbishop Jose Palma na kasama sa mga agenda ng susunod na plenary assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Hulyo ang mga pangungutya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Simbahang Katoliko at sa Diyos.

Ayon kay Palma, dating pangulo ng CBCP, kinakailangan ang higit na pagninilay sa mga pahayag ng Pangulo na kumukuwestiyon na sa pananalig sa Panginoon.

“I look towards sa meeting namin dahil alam ko na mapag-usapan ito and we can make a response,” ani Palma, sa panayam ng Radio Veritas.

-Mary Ann Santiago
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador