TULOY na tuloy na ang birthday concert ng tween star at kontrabidang-bida sa Kambal Karibal na si Kyline Alcantara. Definite nang sa September 8, five days after she turns 16 on September 3, ang concert na gaganapin sa SM Skydome ng SM North EDSA.

Kyline

Kyline Take FL16HT ang title ng concert, na tugon ng GMA Records sa kahilingan ng mga Sunflowers (fans ni Kyline). Tinanggap nila ang hamon ng Kyline Alcantara Worldwide (KAW) na ipag-produce siya ng concert kapag umabot sa one million views ang Sundo cover ni Kyline sa YouTube, at sa 50,000 ang subscribers sa Kyline Alcantara Music.

N a h i g i t a n p a a n g ipinangakong hits ng kanta at subscribers ng YouTube Channel ni Kyline, kaya naman inihahanda na ng GMA Records ang birthday concert niya sa September 8.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Speechless naman si Kyline nang malamang pinagbigyan ng GMA Records ang request ng kanyang fans.

“Excited at kinakabahan din ako, but thankful,” maikling banggit niya.

Pagkatapos kasing pumirma ng exclusive contract ni Kyline sa GMA Network, sumunod siyang pumirma ng contract naman sa GMA Records.

Tuluy-tuloy din ang acting ni Kyline sa Kambal Karibal, na kung minsan ay gumaganap siya ng dual role bilang sina Crisel at Cheska. Every Sunday, regular nang napapanood si Kyline sa Sunday PinaSaya, kasama ang mga co-stars niya sa drama series nila, sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, na bentang-benta naman ang love team.

-NORA V. CALDERON