Mitchell, taob kay Simmons sa NBA ‘Rookie of the Year’

SANTA MONICA, Calif. (AP) — Nakamit ni James Harden ng Houston Rockets ang kauna-unahang regular season Most Valuable Player award sa ginanap na NBA Awards nitong Lunes (Martes sa Manila).

FEAR ‘D BEARD! Napahanay na sa NBA elite si James Harden ng Houston. (AP)

FEAR ‘D BEARD! Napahanay na sa NBA elite si James Harden ng Houston. (AP)

Tanging player bukod sa nagretirong si Michael Jordan na may averaged na 20 puntos, walong assists, limang rebounds at 1.7 steals sa isang season, tinalo ni Harden sa parangal sina LeBron James ng Cleveland at Anthony Davis ng New Orleans Pelicans.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Harden sa scoring, three-pointers at 50-point game (apat) para sandigan ang Rockets sa NBA regular season na may 65 panalo.

Hindi nakadalo si Lebron sa gabi ng parangal sa Barker Hangar sa Santa Monica Airport sa gitna ng spekulasyon sa kanyang sunod na hakbang sa career. May hanggang Biyernes ang four-time MVP (Sabado) para ipaalam sa Cavaliers kung mananatili siya para sa susunod na season o susubukan ang free agency market.

Inakay ni Harden, ipinanganak sa Los Angeles, ang ina paakyat sa stage bago tinanggap ang tropeo mula kay NBA Commissioner Adam Silver.

“I’m not going to get emotional,” pahayag ni James, itinago ang nangingilid na luha sa kanyang shades. “She’s my backbone in good times and bad times.”

Tinanghal namang ‘Rookie of the Year’ si Ben Simmons ng Philadelphia 76ers.

Naitala niya ang averaged 15 puntos, walong rebounds at walong assists para tularan si Hall of Famer Oscar Robertson bilang tanging rookie na nakapagtala ng naturang statistics sa rookie season.

Pinangunahan ni Simmons ang Philadelphia sa 52-30 karta, tampok ang 16-game winning streak.

Tinalo niya sa parangal ang pambato ng Utah Jazz na si Donovan Mitchell at high-leaper Jayson Tatum ng Boston.

Napili naman si guard Victor Oladipo ng Indiana Pacers bilang Most Improved Player. Tangan niya ang averaged 23.1 puntos sa kanyang unang taon sa Pacers dahilan para mapili sa All-Star sa unang pagkakataon.

Nakamit naman ni Utah center Rudy Gobert ang ‘Defensive Player of the Year’, habang si Lou Williams ng Los Angeles Clippers ang Sixth Man awardee.

Ipinagkaloob naman kay Dwane Casey ang ‘Coach of the Year’ bilang parangal sa nagawa niya sa Toronto Raptors. Tinalo niya si Brad Stevens ng Boston/

“Can’t look in the rear view mirror,” sambit ni Casey.

“Winston Churchill said success is measured by failure, failure, and then come back with enthusiasm, and that’s what I’ve done,” aniya

Ginabayan ni Casey ang Raptors sa No. 1 seed sa East sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa tangan ang team-record 59 wins. Tumayong coach ng East si Casey sa ginanap na All-Star Game.

Tinanggap naman ni Robertson ang Lifetime Achievement Award mula sa hall-of-famer ding sina