HUMANGA kay Ai Ai delas Alas ang mga nakabasa sa post niya sa social media nang aminin niyang may psoriasis siya. Hindi inisip ng Comedy Queen na baka layuan siya ng mga kaibigan niyang artista. Kahit sabihing hindi nakakahawa ang nasabing sakit, hindi pa rin maiiwasang may mga hindi lalapit at didikit sa kanya.

Ai-ai copy

Ang pag-aming ito ay sinundan ng interview ni Ai Ai sa TV, nang ikuwento niyang under control ang psoriasis niya dahil sa sinusunod na healthy diet.

Bukod sa psoriasis, nabanggit din ni Ai Ai na may vertigo at asthma siya. Pero gaya sa psoriasis, under control ang mga ‘yun dahil sa organic diet.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Actually, ang post ni Ai Ai ay tungkol sa advantages ng pagkain ng organic, at nabanggit nga niya ang kanyang mga sakit at ang pagpayat niya.

“In fairness naman napakadaming dulot na ganda ang pagkain ng organic... at gusto ko lang ma-feel good ngayon. Buti na lang nakita ko Facebook ko 8 years ago at itong nasa left ang picture kaya nagpa-picture ako ng 2018 at parehas lang naman halos.

“Salamat sa organic no meat no dairies no carb kong diet... sabi nga ni @direklouieignacio ang wala kong ka kwenta kwentang pagkain hahaha...pero kung ako papipiliin kung wala din lang kayong psoriasis, vertigo, asthma (na lahat meron ako nung di pa ako organic) dun pa din ako sa normal na food. Ang sarap kaya ng halo halo, pizza pie, spaghetti, fried chicken, coke, tsitsirya (cheese curls +chippy) e ok na ‘yan kumain LIFE IS SHORT...YOU CAN MAKE IT SHORTER HAHAHA.”

Samantala, simula sa July 7 ay hindi na lang sa Sunday Pinasaya mapapanood si Ai Ai, dahil mapapanood na rin siya sa The Clash. Isa siya sa three judges ng bagong talent search ng GMA-7, kasama sina Lani Misalucha at Christian Bautista, hosted by Regine Velasquez

-NITZ MIRALLES