Sinimulan na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pagkikilatis sa magiging susunod na Ombudsman kapalit ng magreretirong si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ito ay kahit na kakasimula pa lamang ng Judicial and Bar Council (JBC) ng pagsasala sa mga aplikante para makabuo ng shortlist na irerekomenda sa Pangulo.

Ayon kay Duterte, mayroon na siyang sariling shortlist na kinabibilangan daw ng mga taong hindi matitibag ang karakter. Sumangguni na rin ang Pangulo sa maraming sektor.

Nabatid na 10 ang aplikante para maging susunod na Ombudsman na sumalang kahapon sa public interview. Kabilang sa mga ito sina Supreme Court Justice Samuel Martires, Labor Secretary Silvestre Bello III, Sandiganbayan Associate Justice Efren dela Cruz, at ilang abogado at hukom.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Beth Camia