HUMAKOT ng apat na gintong medalya ang Munisipalidad ng T’boli buhat sa katatapos lamang na 2nd Indigenous People’s Games (IPG) na ginanap sa Lake Sebu, South Cotabato.

Pinagharian ng T’boli ang mga larong meyon kuda law event, ito ay hango sa karera ng mga kabayo, ngunit gamit ang mga talahib bilang kabayo.

Tinalo ng T’boli ang Tampakan at ang tribu ng Lake Sebu-T’boli na nakakuha ng silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

Nagmula naman ang iba pang ginto ng nasabing munisipalidad buhat sa sudul isang laro kung saan pinataob nila ang tribu ng Lake Sebu- T’boli at Tubi, kumuha din sila ng ginto buhat sa laring sedegol be klifak bliboy kung saan tinalo nila ang Lake Sebu-T’boli Tribe at Lake Sebu Ubo Tribe.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Nakakuha rin ng ginto sa youth hemanak o archery kung saan binigo nila ang Lake Sebu- T’boli at Municipality of Lake Sebu.

Muli namang pinasalamatan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond A. Maxey ang Pamahalaang Panlalawigan ng Lake Sebu sa pangunguna ni Mayor Antonio B. Fungan para sa hosting ng nasabing ikalawang leg ng IPG na naglalayong maibalik ang at maipakilala muli ang ang kultura at tradisyon ng mga katutubong laro.

Ito ay bilang pagtupad na rin sa Republic cAct (RA) 8371, na kilala din bilang IP Right Act of 1997, na naglalayong nagbigay ng pantay na karapatan para sa lahat na iniutos ni President Rodrigo Duterte sa PSC.

-Annie Abad