UNITED NATIONS, United States (AFP) – Apat na porsiyento lamang ng populasyon ng mundo ang mga Amerikano ngunit hawak nila ang 40 porsiyento ng mga armas sa buong mundo, saad sa isang bagong pag-aaral nitong Lunes.

Mayroong mahigit isang bilyong armas sa mundo ngunit 85 porsiyento sa mga ito ay nasa kamay ng mga sibilyan, at ang natitira ay hawak ng law enforcement at ng militar, ayon sa Small Arms Survey.

Sa 857 milyong baril na hawak ng mga sibilyan, 393 milyon ay nasa United States – mas marami kaysa lahat ng mga baril na hawak ng mga karaniwang mamamayan sa pinagsamang nangungunang 25 bansa.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM