OTESEVO, Macedonia (AFP) – Lumagda ang Greece at Macedonia nitong Linggo sa makasaysayang preliminary agreement para palitan ang pangalan ng maliit na Balkan nation at gawing Republic of North Macedonia, winakasan ang alitan na lumason sa relasyon ng magkatabing bansa simula 1991.
‘’We are here to heal the wounds of time, to open a path for peace, fraternisation and growth for our countries, the Balkans and Europe,’’ sinabi ni Greek Prime Minister Alexis Tsipras.
‘’By signing the agreement... we have really moved mountains,’’ sinabi naman ni Macedonian Prime Minister Zoran Zaev.
Matapos ang paglalagda, tumawid si Tsipras sa Macedonian side ng Lake Prespa para sa tanghalian, naging unang Greek prime minister na bumisita sa katabing estado.
Simula 1991, nilalabanan ng Athens ang pagtawag sa katabi nito na Macedonia dahil kapangalan nito ang isang probinsiya sa Greece, na noong sinaunang panahon ay sentro ng imperyo ni Alexander the Great – na labis na ipinagmamalaki ng mga Greek.
Nilabanan ang dalawang premier ang maaanghang na reaksiyon sa kani-kanilang bansa para matuloy ang kasunduan.