CAMP MACABULOS, Tarlac City - Limang menor de edad, na binubuo ng dalawang babae at tatlong lalaki, ang na-rescue ng awtoridad mula sa 35-anyos na babae sa Block 106, Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac, nitong Huwebes ng hapon.

Sa report na ipinarating kay Provincial Director, Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, ang limang biktima ay nasa edad 6, 8, 9, 12, at anim na buwan.

Nahaharap sa kasong trafficking in person, child abuse at anti cybercrime ang suspek na si Marlyn Baptista ng Bgy. Cristo Rey, Capas, Tarlac.

Nagsagawa ng rescue operation ang mga elemento ng WCPC- ATIPD, na pinangunahan nina Senior Supts. Villamor Tuliao, Maria Shiela Portento, hepe ng OMD, team ng Capas Police Station, Federal Bureau of Investigation, Dutch, Australian at Nordic Federal Police, at matagumpay na na-rescue ang limang bata sa Cristo Rey, Capas, Tarlac, bandang 12:30 ng tanghali.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Leandro Alborote