April 13, 2026

Home BALITA National

'Dapat mabilis!' Sen. Bam Aquino sinabing i-report, aksyunan agad kapag may school bullying

'Dapat mabilis!' Sen. Bam Aquino sinabing i-report, aksyunan agad kapag may school bullying
Photo courtesy: MB File Photo

Ipinagdiinan ni Sen. Bam Aquino na kailangang i-report at lapatan ng mabilis na aksyon ang mga kaso ng pambubully sa mga paaralan upang marespondehan agad ng mga awtoridad, sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education nitong Lunes, Marso 16.

Ayon kay Aquino na siyang chairman ng komite, mas nauuna pa raw mag-viral ang insidente kaysa maaksyunan ng mga awtoridad. Ginawa niyang halimbawa ang isang insidente ng pambubully sa isang paaralan sa Ilocos Sur noong Pebrero 18.

Giit ni Aquino, isa sa mga nakikita niyang problema sa mga kaso ng school bullying ay huli nang naisusumbong sa mga awtoridad.

“Ang isa pong naging problema dito ay ito na nga 'yong unreported. We knew it only after I think three days. So three days na pong nangyari ito bago pa nag-viral. And our field offices have been aware about it only after it became viral on social media,” pahayag ng senador.

Paliwanag naman ni Department of Education (DepEd)-Ilocos Region Director Tolentino Aquino, tinitingnan na nila ang anggulo kung may negligence o kapabayaang nangyari sa panig ng school heads at mga guro. Nangyari daw kasi ang insidente sa kalagitnaan ng class hours.

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Kaya giit ni Aquino, kailangang maaksyunan agad ang isyu at hindi dapat umabot ng ilang linggo.

"Dapat mabilis, di puwedeng umabot ng ilang linggo. Dapat alam agad natin. Kapag may nakitang ganiyang klaseng activity or ganiyang klaseng violence, karahasan, dapat agad-agad may aksyon tayo," saad pa niya.